Featured image of post Mabuhay Ang Mga Barangay Ng Laguna!

Mabuhay Ang Mga Barangay Ng Laguna!

Isang karangalan pong makasama kayo ngayong gabi sa Pagkilala sa Husay at Galing ng Barangay ng Liga ng mga Barangay sa Laguna. Congratulations sa lahat ng awardees, at maraming salamat po sa pagkakataong makapagbahagi ng mensahe sa aking mga kapwa lingkod-bayan.

The strength of our country does not come from palaces or halls of Congress. Nagsisimula po ito sa ating mga barangay hall, sa bawat hinaing o paghingi ng tulong na tinutugunan nila nang may malasakit. Diyan po nakaugat ang tunay na serbisyo sa kapwa Pilipino.

Napakahalaga po ng papel ng mga lider ng barangay sa panahong ito. Kayo ang tulay ng mamamayan at ng Republika. Sa panahon ngayon na sinusubok ang ating demokrasya, tulungan natin ang ating mga kababayan na maunawaan ang panganib ng mga shortcut at ng mga solusyong gumagamit ng kamay na bakal. Ituro natin na ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa batas, sa tapang at pagkakaisa ng mamamayan, at sa pagtitiwala sa proseso.

Patuloy po sana kayong magbigay liwanag, pag-asa, lakas at inspirasyon sa ating kapwa, lalo na sa ating mga kabataan. Mabuhay po kayong lahat, mga tunay na bayani ng ating barangay! ✊🇵🇭




Built with Hugo
Theme Stack designed by Jimmy